Eh napahaba ang airtime ng SOP dahil sa birthday celebration ni Judy Ann Santos na binigyan ng maraming sorpresa, kabilang na ang surprise appearance ni Sharon Cuneta.
Dalawang linggo nang napapanood si Juday sa SOP kaya marami na ang nagtatanong kung lilipat na ba siya sa Kapuso?
Uulitin ko ang siney ni Juday, isang taon pa ang kontrata niya sa ABS-CBN. Ang ibig sabihin, hindi totoo ang tsismis.
Pero makahulugan ang sinabi ni Juday na nag-umpisa ang kanyang TV career sa GMA 7. Siney niya ang pamagat ng TV series na kanyang pinagbidahan pero hindi ko na ito matandaan.
credit goes to ate cindy:)

No comments:
Post a Comment