Saturday, May 3, 2008

News Article!

Atat na nga ba si Yasmien Kurdi sa magiging kissing scene nila ni JC de Vera sa Babangon Ako’t Dudurugin Kita? Nang tanungin kasi namin si Yasmien sa development ng istorya ng teleserye nila ni JC, nabanggit nito agad na wala pa raw silang kissing scene ni JC.“

Yasmien, sabik na sa halik ni JC de Vera!
by RUEL MENDOZA

Ang tagal nga, eh! Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang sabi ni Yasmien.“Akala ko nga kukunan na ‘yung kiss pero hindi pa pala! Kainis! Ha! Ha! Ha! Ha!“

Pero to be serious naman, matagal pa naman siyang kukunan. Kasi nga ang gusto nila ma-establish ang pagiging matapang ko sa story. Nag-tape na nga kami ng mga naging training ko. Pinaghawak na ako ng baril at nakapagpaputok na ako. Nakakatakot pala pero enjoy naman pala humawak ng baril! Ha! Ha! Ha! Ha!“


Pero nakakapagod ang mga pinagawa sa akin. Okey lang kasi lahat kami gusto naming maganda ang lalabas sa show kaya kahit latang-lata kami sa taping, walang umaa­ngal,” dugtong na sabi ni Yasmien.

Paano naman niya paghahandaan ang halikan nila ni JC? Kailangan pa ba niyang mag-prepare, eh mukhang kabisado na ni JC ang mga labi niya?“Oo naman kailangan kong mag-abala! Ha! Ha! Ha! Ha!“

Kahit na ilang beses na kaming nag-kissing scene ni JC in the past, kailangan handa pa rin ako.“Kailangan mabango ang hininga ko. Kaya magtu-toothbrush ako at magma-mouth wash. Nakakahiya naman kung hindi ka mabango. Eh si JC ang bango-bango parati kaya dapat mas mabango pa ako kesa sa kanya!” say na lang ni Yasmien.

No comments: